The Manifesto of Torax Cefiro

Text

Tulad ng Isang Bangkang Papel

Susuungin ko ang dagat
kahit mainom ang tubig alat
Di iindahin kahit pa may lagnat
Ito ang prinsipyo ng isang mandaragat

Sa isang bangkang papel nagsimula
isang pangarap na animo’y tala
na aking ninanais na makuha
abutin man ako hanggang sa pagtanda

Payak lang gawin, madali lang ayusin
konting tiklop handa na itong palayagin
sa ilog, isaliw sa indak ng tubig paanurin
ingatang di mabuwal sa hampas ng hangin

At tuluyan nang inalon sa kawalan
Di na halos makita o masilayan
kaibigang papel dulot ay kaligayan
ng musmos kong diwa at kaisipan

Isang pilas ng papel ang tanging kailangan ko
Hinayang sa puso ay kusang maglalaho
Panibagong pagtiklop ngunit puro
upang sa susunod na paglayag ay di na gumuho

Ngayon ako’y nasa hustong edad na
Pagkakapitan sa barko’y lubos na ikinasaya
Papel na nagsilbing munting pangarap na
unti-unting nakamit at naabot pa

Sa hamon ng buhay minsa’y nabibigo tayo
Pag-asa’y nawawala at tila naglalaho
Ngunit iyong pakatandaan na pagsubok lamang ito
Bumangon ka’t simulang muli ang panibagong yugto

Tulad ng isang bangkang papel na nasira, sa tubig inagos
Magsimula kang muli huwag matakot sa anumang unos
Isiping mabuti ang mga sinasabi’t kinikilos
Upang tagumpay at kaligayaha’y makakamit mong lubos

**toraxcefiro**
All Rights Reserved. 
Copyright 2011

Tulang aking lahok sa Saranggola Blog Awards 3

Posted on Saturday, October 1 2011. Tagged with: toraxtulasarangsaranggola blog awards
5
Notes
  1. hernandezext liked this
  2. yoursmitchie liked this
  3. toraxcefiro posted this
The Manifesto of Torax Cefiro

God grant me the serenity,

to accept the things I can't change,

the courage to change the things I can,

& the wisdom to know the difference.



Here I will tell you all about Life's attitude towards everyone that eventually made them a better Human Being.

Before I go further, Let me introduce myself. My Name is Erwin and I am just a typical person who happens to have at least accomplished many things in my LIFE. Few people don't understand me sometimes but that is okay I can't blame them for not being able to. But one thing I know for sure, I am what I am!

I am a singer and I love MUSIC. Singing is what I love to do during free times and I even made my own songs but I'll just keep it to myself for now. And oh, you can check my poems on this blog.. Poems about anything :)

So I guess that's about it! Have fun with all the write-ups and things I will put in on this page, like anything under the sun, and please do not hesitate to ask me if you need anything else!

BTW, you can also follow me on Twitter: @ToraxCefiro

(^_^)v
Ask me anything Submit
Previous Next